May 5, 2012 - Etong araw na ito, e masasabi kong isa sa pinaka epic na araw sa pananatili ko sa maynila. Andami kong nasubukang bago, at isa talagang adventure para sa amin, o sa akin ang naging lakad namin kahapon. Sayang nga lang at hindi nakapag labas ng camera, o kahit camera cellphone man lang para mai-document talaga ang lakad naming yun.
Kasama ko nga sila, silang dalawa, plus yung kaibigan namin pinuntahan namin nung hapon. Nung nagumpisa na nga ang adventure namin. :) Um, yung picture kasi sa taas, yun yung nung magkakatabi pa lang kami at kasalukuyang nagbabalak mag hibernate. :) After nga nilang matulog, gumayak na kami, at gumora na…











